Magandang araw mga Flyffers!
Kamusta na ang pag-aaral? Alam namin na nabawasan na ang inyong oras sa paglalaro ng Flyff dahil sa eskwela. Ayos lang naman sa’min iyon, dahil yun naman talaga dapat ang inyong ginagawa: pumasok at mag-aral nang mabuti.
Bilang gamer na tulad n’yo, alam ko na namimiss n’yo rin ang inyong character sa Flyff. Minsan, iniisip n’yo na napag-iiwanan na sa level ang pinakamamahal n’yong character, o kaya kayo na ang pinaka-“weak” sa guild.
S’yempre, ayaw naming maging malungkot kayo. Pangit kapag iniisip n’yo ang Flyff kapag nasa eskwela. Kaya, para mas makapag-focus kayo sa inyong pag-aaral, inihahandog ng Flyff Team ang…
HALINA SA FLYFF!
GM, GM, ano po ba ang promo na ito?
Ito ay para sa mga Flyffers natin d’yang mag-aaral. Simula sa ika-8 ng August, mula 5pm~7pm, magkakaroon ng bonus x1.5 exp! Ito ay tuwing schooldays lamang. Uulitin ko, 5pm hanggang 7pm, bonus exp na x1.5. D’yan sa aming mga tinakdang oras, mas makakapagpalevel kayo ng mabilis at tiyak na hindi kayo mapag-iiwanan ng inyong mga katropa sa game ‘pag nakapaglaro kayo pagkatapos ng eskwela.
Hindi lang d’yan ‘yan nagtatapos. Meron pa.
Meron pa? Huwaat!
Oo. Meron pa nga. Kapag gumawa kayo ng karakter gamit ang isang bagong account nitong August, kayo ay makakatanggap ng LIBRENG PREMIUM ITEMS na nagkakahalagang lagpas-lagpas 200php. O ha? Saan ka pa??
Ito nga pala ang mga kagamitan na maari n’yong makuha kapag gumawa kayo ng bagong account at karakter simula August 1 (libre):
-Upcut Stone
-Scroll of Amplification
-Cat Set M/F (depende sa kasarian ng inyong karakter)
-Scroll of Blessing
-At marami pang iba.
Oks? Kaya kung mayroon kayong mga kaibigang gustong maglaro ng Flyff, nako, ito na ang tamang oras para yayain silang maglaro!!!
Tandaan, ESKWELA MUNA BAGO FLYFF!
*Ang promo na ito ay mula August 1 hanggang September 12 lamang.
via [Philippines FLYFF Forum]

3 Responses to “FLYFF Back to School Promo”
Careers at Baker
What exactly are the difference between FLYFF and Ragnarok? this might pose as a stupid question but I have never played any, and I repeat any MMORPG’s in my life, kindly refresh my mind with this query…
_LP
FLYFF is the 1st MMORPG to feature flying characters. Ragnarok doesn’t have nay flying characters. FLYFF is also 3d while Ragnarok is only 2D.
Shodaime•Hokage
COOl naman!
Leave a Reply