Most Wanted Award
Nasa wanted list ng bawat RAN student dahil sa sobrang pagkaadek sa PK. Happiest moment ng taong ito ang PK time at para sa kanya, langit ang anumang map sa PK channel na may estudyante. Dahil sa sobrang lakas ng kanyang namumulang aura, napapa-tele away ang sinumang makasalubong nito sa takot na ma-FPK.
Tulis Award
Star dahil sa sobrang tinik pagdating sa chiks! Isang alagad ni [Press] Inkslinger, lahat ng nakapalda—Shaman man o Archer, chixilog man o hindi—ay tinutulis ng estudyanteng ito. Minsan, dahil sa sobrang pagkatulisan, kahit babaeng mob at NPC ay hindi nakalalampas sa kanyang matulis na paningin.
Chixilog Award
Ang papa na’to ay nagpapanggap na mama para makalibre ng rares, makahingi ng loots, at di mawalan ng party at escort. Pero dahil sa sobrang lakas ng kanyang karisma, mas madami pa syang nabibingwit na boylets kesa sa ibang tunay na RANachic.
Pantasya ng Bayan
Wafa pumorma in-game at winner ang ganda in-RL, ang RANachic na ito ang pinakahinahabol, kinakarir, at minsan ay pinag-aawayan pa ng mga boys sa RAN. Star din sya ng bawat EB at madalas na inaabangan sa mga e-Games event.
Looter Award
Pinakamalupit sa pagpindot ng space bar kapag namumulot ng kahit anong pwedeng pulutin. Bread man o +9, walang lusot sa spacebar-pindot-power ng taong ito.
Campus Japorms Award
Pinakahanep mag-mix and match ng costume sa RAN. Kahit lumang costume, nagmumukhang unreleased items dahil sa lufet ng kanyang fashion sense.
Model Student Award
Top 1 sa Values Education at bayani ng mga newbies, ang taong ito ay hinahangaan ng RANbayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging palakaibigan. Star din sya sa mga kasalan dahil lagi syang kinukuhang sponsor ng mga taong natulungan nya.
Mamaw Award
Mga adek magpalevel at 24/7 kung magpakamamaw, sila ang mga katangi-tanging estudyante na nakaabot ng lvl 195 at kasama sa mga ga-graduate ngayong e-Games Dom1nation II.
Kaya kung may kakilala kang star na star ang dating at karapat-dapat tumanggap ng mga awards na’to, i-nominate na sya sa forum thread na ipopost ni CM Jes! Isang sorpresa ang naghihintay sa sinumang mapaparangalang Exceptional e-Gamer sa kahit anong kategorya.
Tandaan, hanggang March 22 lang and nomination at sa March 23 hanggang April 1 naman ang botohan.

2 Responses to “Exceptional RANatic, Reward from RAN Team”
Gerald
250,000,000 po
jerome`
Leave a Reply